Pekeng Alaxan, Biogesic, Bioflu nagkalat sa pamilihan – FDA

WINARNINGAN ng Food and Drug Administration (FDA) ang publiko ukol sa mga pekeng bersyon ng anim na kilalang over-the-counter na gamot na ipinagbibili sa merkado.

Sa isang advisory, sinabi ng FDA na kabilang sa mga gamot na may pekeng bersyon ang Kremil-S, Alaxan FR, Biogesic, Medicol Advance, Bioflu at Tuseran Forte.

“All health-care professionals and the general public are hereby warned as to the availability of these counterfeit drug products in the market, which pose potential danger or injury to consumers,” ayon sa ahensya.

Paalala ng FDA sa publiko: Bumili lamang ng mga gamot mula sa mga establisimiento na lisensiyado ng ahensya.

Hinikayat din ng FDA ang publiko na suriing mabuti ang binibili o iniinom na produkto para sa kanilang kaligtasan.