PBBM sa pagbisita ng Aquino boys: ‘We’ve always been OK’

WALA naman umanong problema ang kanyang pamilya sa mga Aquino.

Ito ang sinabi ngayong Miyerkules ni Pangulong Bongbong Marcos matapos ang pagbisita ng dalawang pamangkin ng yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino na si Joshua at Bimby sa kanyang misis na si First Lady Liza Araneta Marcos nitong Martes.

Anya “my family and the Aquinos have always been okay.”

Ayon pa sa pangulo, dinalaw nina Josh at Bimby, mga anak ng aktres na si Kris Aquino, ang kanyang misis para pasalamatan ito dahil sa ginawang pagtulong na maiayos ang kanilang pag-travel pabalik sa bansa.

“It was just to help them for their travel arrangements. Tumulong si First Lady at ‘yun lang. Sabi lang magpapasalamat sila,” ayon sa pangulo.

Ang nakababatang kapatid ni First Lady, na si Rosario Cacho, ay misis ni Pedro Cojuango, na nakatatandang kapatid naman The First Lady’s youngest sister, Rosario Cacho, was married to Pedro Cojuangco, nakakatandang kapatid naman ng ina ni Kris na si dating Pangulong Cory Aquino.

“Kaya hindi nakakapagtaka na kilalang kilala niya yung mga pamangkin niya,” paliwanag pa ni Marcos.