Paulo inulan ng regalo si Kim

ISINIWALAT ni Kim Chiu na marami nang nairegalo sa kanya si Paulo Avelino, kabilang ang apat na notebook at taping chair.

“May notebook kasi ako na sinusulatan ko ng emotional journey ng character ko, tapos pinupuno ko siya tapos tsaka ko siya papalitan,” kuwento ni Kim sa panayam ng ABS-CBN.

“Tapos ‘yung nakita niya ‘yung notebook ko, gamit ko pa ‘yun noong ‘Fit Check’, ‘Linlang’, tapos umabot pa ng ‘Secretary Kim’, e puno na siya, sabi niya, ‘’Wag ka na bumili ng notebook, ako na bibili ng notebook sa susunod mong notebook’,” dagdag ng Kapamilya actress.

“So binigyan niya ako ng apat na notebook,” wika ni Kim.

Bukod sa mga notebook, binigyan din daw siya ng “What’s Wrong With Secretary Kim” leading man niya ng taping chair para maging kumportable siya.

“Bumili rin siya ng taping chair tapos ang comfy,” sey ni Kim.

Chika ni Paulo: “Kasi sira-sira na rin ang chair niya kasi parang maliit sa kanya. So, sige bigyan ko nga si Kim.”