Patay kay ‘Kristine’ umabot na sa 90, posible pang tumaas

UMABOT na sa 90 ang bilang ng mga nasawi dala ng pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine (international name: Trami) sa bansa, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Posible rin na tumaas pa ito, ayon pa sa NDRRMC, dahil may 30 iba pang nawawala.

Nasa 158 lugar naman ang isinailalim sa satete of calamity.

Sa tala, ang Bicol region ang iniulat na may pinakamaraming nasawi sa 78. Ito ay mula sa Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes.

Inisyal namang naitala ang P1.4 bilyon na damage na naidulot ng bagyo sa agrikultura at P825 milyon sa imprastraktura.