Site icon Pinoy Publiko

Pasig congressional bet nag-sorry sa viral video: ‘Magalit kayo sa nag-upload ng video’

HUMINGI na ng paumanhin ang congressional bet sa Pasig City na si Christian Sia matapos ang viral video nito na tungkol sa mga solo parents na nireregla pa na maaari umanong sumiping sa kanya minsan sa isang taon.

Gayunman, hirit nito, hindi dapat umano sa kanya magalit ang publiko kundi sa nag-video ng kanyang speech at nag-upload sa social media.

Paliwanag nito na isang joke lang ang kanyang binitiwang salita upang gisingin ang mga taong dumalo sa kanilang campaign rally.

Depensa pa The congressional candidate in Pasig City who went viral for a sexually-charged joke about single mothers apologized Friday to those offended by his remark, saying it was only meant to catch the attention of the audience.  

“Wag po kayo magalit sakin, magalit po kayo sa gumawa ng video… Ang nakita lang sa video yung sinabi ko, pero yung reaksyon ng tao, hindi nakita na tumawa, yun lang ang purpose ng joke,” giit ni Sia.

Sa viral video na pinost sa X, makikita si Sia na nagsasalita sa tila isang campaign rally.

“Minsan sa isang taon, ang mga solo parent na babae na nireregla pa – Nay, malinaw, nireregla pa – at nalulungkot, minsan sa isang taon, puwedeng sumiping ho sa akin,” pahayag ni Sia.

Makikita rin sa video na nasa likod nito ang aktres na si Ara Mina na kandidato rin sa pagkakonsehal sa lungsod na tumawa.

Umani nang sandamakmak na pagbatiko si Sia na isa ring abogado at maging si Ara Mina dahil sa tila pagkunsinti sa nasabing joke.

“Ngunit ako ay nakasakit sa aking sinabi, humihingi po ako ng taos-pusong dispensa,” pahayag nito.

Sinabi naman ng Commission on Elections na hindi nito palalagpasin ang ginawa ng kandidato.

Exit mobile version