SINAKSIHAN ni Pangulong Bongbong Marcos ang opisyal na public-private partnership (PPP) agreement tungo sa rehabilitasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Lunes ng umaga sa Malacanang.
Sa kanyang talumpati, tinukoy ni Marcos ang kahalagahan ng agreement sa pagitan ng Department of Transportation at SMC SAP & Co. consortium.
Ang consortium ay binubuo ng San Miguel Holdings Corp., RMM Asian Logistics, Inc., RLW Aviation Development, Inc., at Incheon International Airport Corp., na siyang nakakuha ng PHP170.6 bilyon PPP project matapos mag-alok ito ng revenue share na 82.16 percent sa gobyerno.
“The reputation of this airport has been shredded, and let’s be frank about it, not by bad press but by its actual poor state,” sabi ni Marcos.
“It requires a major overhaul.”
Kasama sa rehabilitasyong gagawin ay ang passenger terminal at airside facilities gaya ng runway, aircraft parking area, airfile lighting at iba pang pagsasaayos ng pasilidad.