SINIBAK sa kanyang tungkulin bilang pari ng St. Joseph Parish sa Gagalangin, Tondo dahil sa kanyang “persistent defiance” sa Archdiocese ng Maynila,
Dahil dito, itinlaga ang three-member panel para i-oversee ang operasyon ng parokya.
Sa kalatas na inilabas ni Manila archdiocese chancellor Fr. Isidro Marinay, suspendido si Rev. Fr. Alfonso Valeza mula sa kanyang parokya na epektibo Hunyo 3.
“Because of his persistent defiance to the Archbishop of Manila despite orders and warnings, Fr. Valeza is likewise suspended from exercising priestly faculties effective 5 June 2024. He is therefore prohibited from administering the sacraments. Any sacrament he administers is illicit,” ani Marinay.
Itinalaga naman sina Fr. Reginald Malicdem, Fr. Nolan Que, at Fr. Gilbert Kabigting para mangasiwa sa parokya.
Ayon sa ulat, sinuspinde di Valeza dahil sa diumano’y pakikipag-away nito kay retired Novaliches Bishop Antonio Tobias sa loob ng St. Joseph Parish office.