Pares ni Diwata nasa Quezon City na

NAGKAROON ng opening nitong Linggo, May 26, ang branch ng viral paresan ni Diwata sa Morning Star Drive sa Sanville Subdivision, Quezon City.

Sa kanyang YouTube channel, ipinasilip ni Diwata ang loob ng kanyang bagong paresan.

Makikita na marami nang kostumer at vloggers ang nag-aabang sa pares vendor.

Bukod sa pares overload, nago-offer sila sa bagong branch ng Diwata Sokoleyt, Hotdog Overload, Diwata Family Siken at Spagiti Overload.

Sa June 2 ang grand opening nito.

Bago ito, inanunsyo ni Diwata na magbubukas siya ng mga sangay sa buong Pilipinas.

“Ang plano ko talaga yumaman. Kaya ie-expand ko ‘yung Diwata Pares Overload ko sa Luzon, Visayas, and Mindanao para ‘yung iba hindi na sila pumila,” aniya.

Matatagpuan sa Diokno Blvd. sa Pasay City ang original na Diwata Pares Overload.