Paolo ineskortan anak sa prom; publiko bumilib

HATS off ang publiko sa TV host na si Paolo Ballesteros sa ginawa nitong pag-eskort sa anak na si Keira sa prom.

Ibinahagi ni Chiqui Ballesteros-Belen at ng ina ni Keira na si Katrina Nevada ang father-and-daughter moments sa kani-kanilang Facebook pages.

Suot ng 15-anyos na si Keira ang isang backless royal blue dress na may matching sparkling black floor-length shawl, at black tulle gloves. Isang elevated suit na may cutout back detail naman ang inirampa ni Paolo.

Hindi lang sa looks ng mag-ama bumilib ang publiko, pinuri rin ng mga ito ang relasyon ng dalawa.

“Awww made me feel so warm! Family is family, love is love!”

“Daming dead beat dads sa showbiz, kaya I admire Paolo. He’s never had a negative issue sa career nya.”

“A much better father than some hetero ones!”

“How sweet naman ni Paolo. Good vibes palagi and very funny. You know wala naman yan kung lalaki or bakla man ang father as long as they have a good relationship.”

“Ang cute lang. Very positive aura! Good vibes!”