INIHAIN ni Surigao del Norte Rep. Johnny Pimentel ang isang panukala na magbibigay ng bagong prankisa sa network giant na ABS-CBN.
Sa kanyang House Bill 431, sinabi ni Pimentel na malaki ang papel na ginagampanan ng ABS-CBN sa paghahatid ng mga mahahalagang impormasyon at balita sa publiko.
Huminto ng operasyon ang ABS-CBN noong Mayo 5, 202O matapos ipahinto ito ng National Telecommunications Commission (NTC) dahil sa kuwetyunableng prankisa nito. Ibinasura rin ng Kongreso ang panukalang nagbibigay sa network ng panibagong prankisa dahilan ng pagsasara nito at pagpasok na lang sa block time partnership.
“The news and public affairs program of ABS-CBN serves as the only avenue for crucial and relevant information for a great number of our countrymen. It is the source of information in the most far-flung areas of our country, keeping its far-reaches up-to-date with the relevant happenings,” paliwanag ni Pimentel sa kanyang bill.