PANIBAGONG taas-presyo na naman ang kinakaharap ng mga motorista ngayong linggo.Nag-abiso na ang ilang oil companies ng taas-presyo ng kanilang produkto na magsisimula sa Martes, Agosto 15.
Aakyat ng P1.90 kada litro ang presyo ng gasolina habang P1.5o naman sa kada litro ng diesel. Aabot naman sa P2.50 ang itataas ng presyo ng kada litro ng kerosene o gaas.
Ito na ang ika-anim na linggo ng walang tigil na taas-presyo sa produktong petrolyo.
Samantala, naghahanda na rin ang gobyerno ng fuel subsidy para sa isang milyong public utility drivers at operators na apektado ng sunod-sunod na oil price hike.