Panibagong big-time fuel price hike nakaamba

PAGHANDAAN na ang panibagong malakihang oil price hike ngayong darating na linggo.

Aabot ng halos P2 kada litro ang itataas ng presyo ng petrolyo mula Hunyo 25 hanggang Hulyo 1.

Ayon sa paunang advisory ng Unioil, magtataas ito mula P1.70 hanggang P1.90 kada litro sa presyo ng kanilang diesel.

Samantala aabot mula P1.10 hanggang P1.30 naman kada litro ang itataas ng presyo ng gasolina.

Sa taya naman ng Department of Energy (DOE), aabot sa 85 sentimo hanggang P1.15 kada litro ang itataas ng gasolina ng iba pang oil companies.