KINUMPIRMA ng Palasyo na tinabla ni Pangulong Bongbong Marcos ang panukalang nagdedeklara sa Pampanga bilang culinary capital ng bansa.
Ito ay para maiwasan ang diskriminasyon sa ibang lalawigan na may kanya-kanya ring pambatong pagkain, ayon kay Palace Press Office Claire Castro ngayong Huwebes.
Ayon kay Castro kailangang i-veto ni Marcos ang Senate Bill No. 2797/House Bill No. 10634 o “An act declaring the province of Pampanga as the culinary capital of the Philippines” kahit pa maganda ang layunin nito.
Paliwanag ng opisyal ito ay upang maiiwas ang mga turistang dayuhan na mag-isip na tanging iisang lalawigan lamang sa bansa ang may masarap na lutong pagkain.
“Maganda kasi po yung bill, pero magke-create ito ng discrimination,” ayon kay Castro.
“Ang ating bawat rehiyon may kanya-kanyang kultura, kagalingan,” dagdag pa nito.