Pamilya ng batang nahulog sa tulay nabiktima ng scammer

TINANGAY ng scammer ang P3,700 na panggastos sana sa burol ng apat-na-taong-gulang na bata na nahulog sa tulay kamakailan sa Brgy. Inawayan, Cebu City.

Ayon sa lolo ng paslit, hindi niya inakala na may mga tao na mananamantala sa gitna ng kanilang pagluluksa.

Namatay ang kanyang apo nang mahulog ito sa tulay at malunod sa creek noong Linggo.

Sa kanyang salaysay, sinabi ng lolo na tinawagan siya ng babae na nagpakilalang empleyado ng isang public service program at sinabing mag-aabuloy ito ng P5,000.

Hiningi ng babae ang ilang impormasyon ukol sa Gcash account ng matanda para doon umano ipadala ang abuloy.

Makaraan ang ilang oras ay nadiskubre ng lolo na nawawala na ang P3,700 na nasa kanyang account.