Pamilya kinatay ng tatay saka nagkitil

[Sensitibong balita]

NAGPATIWAKAL ang padre de pamilya makaraan niyang patayin ang live-in partner at kanilang apat na anak sa Bacolod City kamakailan.

Inaalam pa ng pulisya ang nagtulak sa suspek na imasaker ang pamilya. Hindi pa tiyak kung gumagamit ng droga ang suspek.

Ayon sa ulat, naghahanda ng hapunan ang live-in partner ng suspek nang bigla itong atakihin ng huli gamit ang kutsilyo.

Nang masigurong wala nang buhay ang asawa ay ang apat na anak naman ang pinagbalingan ng suspek.

Kinalaunan ay sa sarili na itinarak ng suspek ang patalim.

Naitakbo pa sa ospital ang isa sa mga anak pero nalagutan din ito ng hininga habang ginagamot.

Ayon sa binatilyo, nasaksihan niya kung paano patayin ng ama ang kanyang ina at mga kapatid.

Napag-alaman mula sa mga kaanak na ilang araw nang hindi kumakain at natutulog ang salarin bago naganap ang insidente.