Palitan ng piso sa dolyar: P54.065

PUMALO na sa P54 ang palitan ng piso sa dolyar sa pagsasara ng merkado nitong Lunes.

Ayon sa Bank Association of the Philippines’ (BAP) foreign exchange summary, nagsara sa P54.065 ang palitan ng piso sa dolyar, pinakamababa na naitalang halaga ng piso kontra dolyar simulas noong Oktubre 2018.