Palasyo kay VP Sara: ‘Wag kang anay sa lipunan

BUMUWELTA ang Malacanang sa ginawang panglilibak ni Vice President Sara Duterte sa pag-rollout ng P20 per kilong bigas na sisimulang ibenta sa Visayas sa susunod na linggo.

Ayon sa Palasyo, gumagawa lang ng isyu si Duterte para maging dahilan ng dibisyon ng mga Pililipino at maliitin ang ginagawa ng pamahalaan para maitaas ang antas ng buhay ng publiko.

Sa press conference sa Malacanang ngayong Huwebes, ipinagtanggol ni Palace Press Officer Claire Castro, ang rice program ng administrasyon na binakbakan ni Duterte.

Anya, hindi dapat pairalin ang “crab mentality” ngayong may programa ang pamahalaan para mapababa ang presyo ng bigas.

“Ang tunay na lider — at tunay na Pilipino — ay dapat sumusuporta sa kapwa Pilipino, lalung-lalo na sa pinuno ng bansa,” ani Castro.

“‘Wag sanang pairalin ang crab mentality at huwag maging anay sa lipunan,” dagdag pa nito.

Nitong Miyerkules, inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) na sisimulan na ang bentahan ng bigas sa halagang P20 kada kilo sa Visayas.