Pakiusap ni Marcos: Bonggang Christmas party ‘wag nang ituloy

NANAWAGAN ang Malacañang sa mga government agencies and offices na huwag nang magdaos ng bonggang Christmas party bilang pakikiisa sa mga kababayan na matinding sinalanta ng sunod-sunod na bagyo sa loob lang ng isang buwan.

“Alinsunod sa panawagan ng ating Pangulo, hinihikayat namin ang lahat ng ahenysa ng pamahalaan na iwasan ang mga marangyang pagdiriwang ngayong Pasko,” pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

“This call is in solidarity with the millions of our countrymen who continue to grieve over lives, homes, and livelihoods lost during the six typhoons that pummeled us in a span of less than a month.”

Binayo ng magkakasunod na anim na bagyo ang maraming bahagi ng Luzon at Visayas simula noong Oktubre 21 at maraming mga pamilya rito ang matinding naapektuhan sa mga residente rito.

Hindi na anya kailangan pa ng official guidance para rito, dagdag pa ni Bersamin “because we believe in the kindness of our fellow government workers, whom we fully trust can unilaterally adopt austerity in their celebrations.”

Imbes na bonggang party, hinihikayat na i-donate na lamang ang perang gagastusin para dapat dito at simpleng ipagdiwang ang Pasko.

“The true spirit of Christmas implores us to celebrate with compassion, to share our blessings, and to spread cheer. As a people united by love for our fellow men, we can cast away bleakness as we celebrate in this season of joy,” ani pa ni Bersamin.

Christmas celebration will go on with our compatriots who have been devastated by the series of calamities),” dagdag pa ng opisyal.