HINDI pa rin papayagan ang ‘pahalik’ sa Itim na Nazareno sa pista nito sa Enero dahil pa rin sa banta ng COVID-19.
“Wala pa rin po [pahalik], pagdungaw lang,” ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica ng Black Nazarene.
Sinabi ni Badong na maaaring bumisita sa Sta. Cruz Church kung saan ito ilalagay sa loob ng siyam na araw.
“Malaki na rin ang simbahan ng Sta. Cruz, kayang mag-accommodate ng marami,” ayon kay Badong.
Kanselado rin noong nakaraang taon ang tradisyon ng ‘pahalik.’
Ito ay kabilang lamang sa mga pagsasaayos na ginawa ng Minor Basilica of the Black Nazarene upang matiyak ang kaligtasan ng lahat sa pagdiriwang ngayong taon sa gitna ng pandemya.