DAPAT busisiin ng Kamara ang naging desisyon ng Department of Social Welfare and Development na tanggalin sa listahan ang 1.3 milyong benepisyrayo ng conditional cash transfer.
Sa inihaing House Resolution No. 200 nina Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas, Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, at Alliance of Concerned Teachers party-list Rep. France Castro, mali umano DSWD na sabihin na “graduate” na ang mga nasabing benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Matatandaan na sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na tatanggalin nila sa listahan ang 1.3 milyong benepisyraryo ng programa dahil nakatawid na umano ang mga ito sa sinasabing poverty threshold.
Iginiit ng Makabayan bloc na ang ginamit na datos ng pamalaan na poverty threshold na P12,082 ay masyadong mababa.
“The national government is still using a very unrealistic and low poverty threshold of P12,082 per month for the food and non-food needs of the family,” ayon sa mga mambabatas.
“It is incredulous to accept the claim that more families have crossed the poverty line and are considered non-poor, especially with nonstop price hikes, depressed wages, and massive joblessness. This ‘instawid’ or instant tawid scheme is highly questionable and must be investigated,” dagdag pa ng Makabayan legislators.