Pagpatay sa 2 teenager sapul sa CCTV

PATAY ang dalawang menor de edad makaraang pagbabarilin ng dalawang armado sa loob ng internet shop sa Samal, Davao del Norte.

Ayon sa ulat, nakuhanan ng CCTV camera ang pamamaril sa mga biktima na may edad 14 at 15.

Makikita sa video na naglalaro sa internet shop sa Brgy. Camudmud ang ilang kabataan nang biglang pumasok ang dalawang hindi nakilalang lalaki.

Pinaputukan ng mga suspek ang mga biktima na maririnig pang nagmamakaawa. Hinila ng mga salarin ang mga bata sa labas ng establisimento at muling binaril ang mga ito. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay.