SINABI ni Pangulong Bongbong Marcos na target ng kanyang nakatakdang bilateral meeting kay US President Joe Biden ang pagpapadala ng maraming nurse sa naturang bansa.
“Kasi sumikat tayo bigla eh. Ang Pilipinas ang pinakasikat ngayon dahil sa nangyari sa pandemya. Lahat ng makausap kong pangulo, prime minister, basta leader, hindi maiiwasan babanggitin nila, ‘puwede pa ba kami kumuha ng nurse diyan sa Pilipinas, kumuha ng doctor, kumuha ng med tech,” sabi ni Marcos.
Idinagdag ni Marcos na numero pa rin sa listahan ng maraming bansa ang Pilipinas para sa kanilang healthcare system.
“So para mabigyan naman ng pagkakataon ang ating mga gustong mag-abroad para sila ay doon naman makahanap naman sila ng magandang puwesto. But these are the things — there are very, very many things that we will talk about,” dagdag ni Marcos.
Nakatakdang umalis si Marcos sa Abril 1, 2023 patungong Amerika para sa kanya official visit.