PINAYUHAN ni opposition Senator Aquilino “Koko” Pimentel III ang administrasyon na magsumite ng proposed bill para maisabatas ang pagkanta ng Bagong Pilipinas hymn sa flag ceremonies ng mga tanggapan ng pamahalaan kabilang na rin ang institutional institutions.
Ayon kay Pimentel, hindi sapat ang pagpapalabas lamang ng Memorandum Circular para ipatupad ang kautusang ito sa lahat ng mga ahensiya ng pamahalaan.
Nitong Linggo inilabas ng Malacanang ang Memorandum Circular (MC) No. 52 na pirmado noong Hunyo 4.
“I suggest that the Executive Branch should submit a bill containing those ideas (to sing a new song and recite a new pledge) to amend the existing law(s) governing the National Anthem, Pledge, and Flag Raising ceremonies,” ayon kay Pimentel.
“I believe a law is needed in order to authorize that,” dagdag pa nito.