APRUBADO na ang pagkakati ng Bagong Silang sa anim na barangay sa Caloocan City matapos ang isinagawang plebisito nitong Sabado.
Ayons sa Commission on Elections, halos 23,000 registered voters ng Barangay 176 o mas kilalang Barangay Bagong Silang ang bumoto pabor sa pagkakahahati-hati sa anim na barangay ang kanilang lugar.
May 22,854 botante ang bumoto ng “yes” habang 2,584 lang ang bumoto ng “no” sa isinagawang plebesito.
Dahil dito, hahatiin na sa anim na independent barangay ang Bagong Silang, ang pinakamalaking barangay sa buong bansa.
Tatawagin ang mga ito na Barangay 176-A, Barangay 176-B, Barangay 176-C, Barangay 176-D, Barangay 176-E and Barangay 176-F.