Pageant candidate nawawala

PINAGHAHANAP ng otoridad ang isang Mutya ng Pampanga 2023 contestant na nawawala pa noong Biyernes.

Ayon sa post ng ilang pageant groups sa social media, kasamang nawawala ni Geneva Lopez ang kanyang partner.

Napag-alaman na huling nakausap ng isang kaanak si Geneva noong Biyernes ng hapon. Nang hindi ito umuwi ng bahay kinagabihan ay tinawagan ng kapamilya ang dalaga pero hindi na ito makontak.

“Nasan ka, mi? Tingnan mo, libu-libo ang nagdadasal para sa’yo. Maraming nagmamahal sa’yo. Balik ka na sa amin, please,” sabi ng kapamilya.

Nangangamba ito na baka matulad si Geneva sa sinapit ni Catherine Camilon, ang Miss Grand Philippines 2023 candidate na nawawala noon pang Oktubre.