Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa naging ambag nito upang matanggal ng Pilipinas sa grey list ng Financial Action Task Force (FATF).
Noong Lunes, Mayo 5, ay ginawaran ng pagkilala sina PAGCOR Chairman at CEO Alejandro H. Tengco at President at COO Wilma Eisma sa isang seremonya sa Malacañang bilang pagkilala sa pagsisikap ng ahensya laban sa money laundering at terrorist financing.
“Being on the FATF grey list means that a country has significant deficiencies in anti-money laundering and counter-terrorism financing frameworks, which negatively impact foreign investment and increase the cost of doing business,” ayon kay Chairman Tengco.
Pinuri naman ni Tengco ang Anti-Money Laundering Supervision and Enforcement Department at Anti-Money Laundering Compliance Department ng PAGCOR sa mas pinaigting na pagbabantay at pagpapatupad ng mga patakaran sa ilalim ng kanyang pamumuno.
“We are honored that PAGCOR played a crucial part in this development,” dagdag pa ng PAGCOR chief. “As the country’s gaming regulator, we will continue to ensure that our licensees strictly comply with all anti-money laundering rules and regulations.”
Binigyang-diin din ni Tengco na naging malaking hakbang ang desisyon ni Pangulong Marcos na ipagbawal ang offshore gaming operations sa bansa bilang patunay sa seryosong pagtugon ng gobyerno sa pandaigdigang pamantayan sa pananalapi.
“Now that the Philippines is off the FATF watchlist, we expect an increase in investor trust and a stronger flow of foreign investments,” aniya.
Ang grey list ay talaan ng mga bansang may kakulangan sa pagsugpo kontra money laundering at terrorist financing. Kapag nasa listahang ito, bumababa ang kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan at tumataas ang gastos sa pagnenegosyo sa bansa.