Site icon Pinoy Publiko

PAGCOR katuwang ng AFP sa bayanihan

NANGAKO si Philippine Amusement and Gaming Corporation Chairman at CEO Alejandro H. Tengco ng tuloy-tuloy na suporta sa mga proyektong pang-imprastruktura ng Armed Forces of the Philippines (AFP) upang makatulong sa pagpapalakas ng kakayahang pangseguridad ng bansa.

Ginawa ni Tengco ang pahayag sa Rites of Passage ng Philippine Army Officer Candidate School (OCS) sa Camp O’Donnell nitong weekend.

“When we invest in the Armed Forces, we invest in peace, democracy, and national resilience,” ani Tengco sa kanyang keynote address. Pinuri rin niya ang sakripisyo at dedikasyon ng mga officer candidate.

Ayon pa kay Tengco, magkaiba man ng larangan ang PAGCOR at AFP, pareho silang may layuning maglingkod sa bayan.

“Pagcor and the Officer Candidate Corps are kindred in mission. Though we operate in different spheres, we are united by our commitment to public service,” dagdag niya.

Ibinida naman ni Tengco na hindi lang simboliko ang tulong ng PAGCOR sa AFP. May aktwal itong pondong inilaan sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, ospital, at iba pang pasilidad para sa kapakanan ng mga sundalo at kanilang pamilya.

Aniya pa, ang seremonya ay hindi lang simpleng palitan ng liderato kundi pagpasa rin ng mas malaking responsibilidad sa paglilingkod sa bansa.

“Today is not just about the passing of the torch; it is also handing over purpose and trust along with the sacred oath to serve our nation with honor, courage and integrity,” ayon sa PAGCOR chairman.

Nagpasalamat naman si Col. Harold Cabunoc, commandant ng OCS, sa pagdalo ni Tengco at sa pangakong suporta nito. Aniya, kailangan ng paaralan ng mas maraming pasilidad dahil sentralisado na rito ang training ng mga kandidato sa ilalim ng One Training Factory program ng Army.

Hindi pa inilalabas ang buong detalye ng dagdag na tulong mula sa PAGCOR, pero iginiit ni Cabunoc na mahalaga ito sa pagpapalakas ng training infrastructure para sa mga susunod na lider ng militar.

Exit mobile version