Pagbubuntis ni Ria alam na ng publiko?

TILA nasorpresa ang publiko sa anunsyo ng aktres na si Ria Atayde na ipinagbubuntis niya ang panganay nila ng asawang si Zanjoe Marudo.

Maging ang kanilang mga kapwa-artista ay hindi nagulat sa ginawanf pag-amin ni Ria sa social media.

Halos lahat ng kanilang celebrity friends ay mensahe ng pagbati o heart emoji ang ikinomento sa post ni Ria sa Instagram.

Kabilang dito sina Nadine Lustre, Jason Abalos, Eula Valdes, Coleen Garcia, Yam Concepcion, Isabelle Daza, Arci Munoz, Bianca Gonzalez at iba pa.

Tanging nasorpresa lang ay si Jane Oineza na tila napasigaw sa kanyang comment.

Matatandaan na nitong Father’s Day, ibinahagi sa IG ni Ria ang photo niya na nakabandera ang kanyang baby bump habang nagba-bonding kasama si Zanjoe sa dagat.

“To the dad you already are and the dad I know you’ll be. Love you @onlyzanjoemarudo, so excited for this new chapter with you. Happy first Father’s Day!” ani Ria sa caption.

Ikinasal sina Ria at Zanjoe nitong March.