NANINIWALA si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na posibleng maibalik na sa dating school calenda na June to March sa susunod na taon.
Sa isang ambush interview Lunes ng umaga, sinang-ayunan ni Marcos ang panukala ng Department of Education (DepEd) na ibalik na sa dati ang school calendar dahil sa tindi ng init na dinaranas ngayon ng bansa, at apektado rito nang husto ay ang mga mag-aaral.
Ayon kay Marcos, naniniwala siyang dapat na ngang ibalik sa dati ang school calenda.
“I don’t see any objections, especially with El Niño being what it is. Every day you turn on the news, F2F classes are postponed,” sabi ni Marcos.
“Hopefully by next year, yes, matatapos na,” dagdag nito nang matanong kung kailan ito maipatutupad.
Hindi naman malinaw kung ang tinutukoy ni Marcos ay ang school year na 2024-2025 o 2025-2026.