INIHAHANDA na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang agarang pagpapauwî sa mga labî ng tatlong overseas Filipino worker (OFW) na kabilang sa mga namatay sa sunog sa isang gusali sa Kuwait.
Ayon kay DMW Sec. Hans Leo Cacdac, nakikipag-ugnayan na ang kagawaran sa pamahalaan ng Kuwait ukol sa mga kinakailangang dokumento para maiuwi na sa Pilipinas ang mga labi ng mga biktima.
Dagdag ni Cacdac, pinoproseso na rin ang mga papeles ng anim pang OFWs na biktima rin ng sunog upang makabalik na ng bansa.
Tiniyak ng opisyal na mapagkakalooban ng tulong-pinansiyál ang mga Pilipinong biktima ng sunog.
Nakatakdang bisitahin ni Cacdac ang dalawa pang Pinoy na nasa intensive care unit (ICU) ng isáng ospitál sa Kuwait.