INAASAHAN nang magtutuluy-tuloy na ang pag-regulate sa mga electronic cigarette.
Ito ay matapos aprubahan sa ikalawang pagbasa nitong Miyerkules ang panukala na nagre-regulate sa pag-manufacture, pagbenta, paggamit ng e-cigarette.
Inaprubahan ang panukala sa pamamagitan ng “viva voce” ang House Bill 9007 o and “Non- Combustible Nicotine Delivery Systems Regulation Act,” as amended.
Isa sa mga key provision ng panukala ang paglimita sa pagbebenta ng e-cigarette. Kailangan nasa edad 18 pataas ang maaaring bentahan, makabili at makagamit ng e-cigarette.
Kailangan daw alamin ng retailer na ang pagbebentahan ng vape o e-cigarette ay nasa tamang edad. Kailangan magpakita ng government-issued identification card ang sinoman ang bibili ng e-cigarette.