POSIBLENG tumagal ng ilang buwan ang pag-aalburuto ng Mayon volcano, ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ito ay base na rin sa mga obserbasyon ng ahensiya nitong mga nakaraang taon, sabi ni Dr. Teresito Bacolcol, pinuno ng Phivolcs.
Ang nangyayaring mag-aalburuto ng Mayon ngayon ay maihahalintulad lang din sa mga nakalipas na abnormal activities nito na nairala noong 2014 at 2018.
“Based on our experience, this activity may persist [for] a few months,” sabi ni Bacolcol sa panayam ng Releradyo.
“Kapag violent naman ang eruption niya, this would probably take a few days to weeks, pero kapag ganitong mabagal, it would probably take several months,” paliwanag pa ng opisyal.
Dahil dito, posibleng magtagal din sa mga evacuation center ang mga residente na nakapaloob sa permanent danger zone.