NANGUNA si boxing champ Manny Pacquiao sa survey sa pagkasenador na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).
Sinabi ng SWS na kinomisyon ang survey ni Arnel Ty.
Pumangalawa naman sa listahan si Senador Bong Revilla at nasa ikatlo si dating Senate President Tito Sotto.
Pasok din sa top 12 sina Sendor Bong Go, dating Senate President Manny Villar, mga kasalukuyang senador din na sina Bato Dela Rosa, Imee Marcos, dating DSWD Secretary Erwin Tulfo, dating pangulong Rodrigo Duterte, dating senador Panfilo Lacson at Sen. Pia Cayetano.
Nasa ika-13 puwesto naman si dating Manila Mayor Isko Moreno, na sinundan ni dating Vice President Leni Robredo at dating Vice President Jejomar Binay. Isinagawa ang survey mula Abril 15 hanggang 18 gamit ang face-to-face interview sa 1,200 respondents.