P90 SRP sa kilo ng asukal

TARGET ng pamahalaan na ipatupad ang P90 kada kilo para sa refined sugar matapos namang umabot ang kilo nito sa P100 kada kilo sa ilang pamilihan.

Sinabi ni Sugar Regulatory Administration (SRA) Administrator Hermenegildo Serafica na makikipagpulong ang Department of Agriculture (DA) sa mga stakeholders sa Miyerkules para gawing pinal ang SRP.

Kasabay nito, nanawagan si Serafica sa publiko na magtipid sa pagkonsumo ng asukal.


“Sa kape natin, yung iba natin naglalagay dalawang kutsarita, o tatlo. This time around kalahati na lang ng kutsarita para at least makatipid naman,” sabi ni Serafica.

Base sa pagmomonitor ng DA, kabilang sa mga pamilihan na umabot ang presyo ng P100 kada kilo ay ang Malabon Central Market sa Malabon City, Mega Q Mart sa Quezon City at Pasay City Market sa Pasay City.