P748M shabu nasamsam sa Cavite; 2 arestado

NASAKOTE ng pulisya ang dalawang suspek at masamsam ang P748 milyon halaga ng ilegal na droga sa isinagawang operasyons sa Imust City, Cavite nitong Lunes.

Nangyari ang operasyon alas 6:26 ng gabi sa Lavender St. sa Barangay Pasong Buaya II, Imus.

Inaresto ang isang 37-anyos na lalaki na residente ng Pasong Buaya II at isang 26-anyos na lalaki na residente ng Dasma 4, Salawag, Dasmariñas City.

Nakumpiska sa mga ito ang 110 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P748 milyon, 10 bundle ng boodle money na nagkakahalaga ng P1 milyon at cellphone.