P6.9M shabu nasamsam sa bahay ng negosyante sa Davao

NASAMSAM ng pulisya ang may P6.9 miyong halaga ng shabu mula sa bahay ng isang negosyante sa barangay Ma-a sa Davao City Miyerkules ng umaga.

Dinakip ang 51-anyos na suspek na kinilala lamang sa pangalang Jose noong Hulyo 1 sa isang checkpoint matapos na makuha sa kanyang ang shabu na nagkakahalagang P100,000 at mga baril.

Sa isinagawang interogasyon, isiniwalat ni Jose na may nakatago sa kanyang bahay na pakete ng shabu.

Dahil dito, ikinasa ang raid at doon nakuha ang shabu na nakasilid sa isang transparent na bag.

Hawak na ng Toril Police Station ang nasamsam na shabu.