TATANGGAP ng P3,000 ayuda mula sa Department of Agriculture bilang subsidiya sa mataas na presyo ng mga produktong-petrolyo ang mga mangingisda at magsasaka.
Ani Agriculture Asec. Arnel de Mesa, pinaplantsa na ng kagawaran ang mga guidelines para maipamigay na ang ayuda sa mga susunod na araw.
“It is a one-time assistance para tumulong dito sa pagtaas ng presyo ng gasolina. Inaayos lang dito iyong guidelines. Sa mga susunod na araw, ilalabas na rin itong fuel assistance para sa ating mga mangingisda at magsasaka,” ani de Mesa.
Dagdag ng opisyal, nasacP500 million ang inilaan ng kagawaran para sa naturang subsidiya at ito ay pantay na hahatiiin para sa mga benepisyaryong magsasaka at mangingisda.
Sinabi niya na ang mga benepisyaryo ay ang mga magsasaka na ang makina ay nakarehistro sa ilalim ng Registry System for Basic Sectors In Agriculture, samantalang sa mga mangingisda ay ang mga gumagamit ng bangka na hindi lalagpas sa tatlong metriko tonelada.