TULOY na tuloy na ang pagpapatupad ng P40 umento sa sahod sa National Capital Region simula sa Linggo, Hulyo 15, 2023.
Ito ay sakabila ng ilang petisyon na inihan ng koalisyon ng mga labor groups, ayon sa National Wages and Productivity Commission (NWPC) ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Mula sa kasalukuyang P570 na minimum wage, aakyat sa P610 kada araw ang magiging sweldo ng mga nasa non-agricultural sector. Magiging P573 naman mula sa kasalukuyang P533 ang sweldo ng mga nasa agricultural sector, service at retail establishments na may mga tauhan na mas mababa pa sa 15, at manufacturing na may empleyado na mababa pa sa 10.
Iniapela ng Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organization, Labor Alliance for National Development, Gabay ng Unyon sa Telekomunikasyon at Serbisyo, Pinagkaisang Lakas ng Manggagawa ng Manila Bay and their allied labor organizations, ang nasabing bagong daily wage.
Hindi anila sapat ito dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo. Dagdag pa ng mga grupo na dapat na ginawang basehan sa pagbibigay ng umento ay ang family living wage na nagkakahalaga ng P1,161.