P40/kilo bigas available sa LRT, MRT

MAY bentahan ng P40 kada kilong bigas sa apat na istasyon ng LRT 2 at MRT3, ayon sa Department of Agriculuture.

Naglagay ng mga kiosks ang Kadiwa ng Pangulo (KNP) na nagbebenta ng murang bigas sa MRT3 North Avenue at Ayala Station at LRT2 Araneta Center-Cubao Station sa Aurora Boulevard at Recto Station sa Recto sa Maynila.

“Patuloy tayong nakikipag-ugnayan sa DOTr (Department of Transportation) para madagdagan din itong mga station na nagtitinda ng Rice for All,” ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa.

Makakabili ng murang bigas sa apat na istasyon ng tren mula Martes hanggang Sabado, alas-3 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi o hanggang maubos ang suplay.