HINDI P100 kundi P350 ang nais na isulong na legislated wage hike ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Mababang Kapulungan.
Sa isang kalatas, sinabi ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe nitong Linggo, na nabuo na ang consensus ng mga miyembro ng Kamara, na itaas sa pagitan ng P150 hanggang P350 ang isinusulong na legislated wage hike dahil hindi umano sapat ang P100 na umento na inaprubahan ng Senado.
“Our workers are enduring tough times, and as their representatives, it is imperative that we find substantial solutions to alleviate their financial burdens,” ayon kay Dalipe.
Dagdag niya inatasan siya ng liderato ng Kamara na humanap ng paraan para mas higit pang maitaas ang take-home pay ng mga manggagawa.
Sa Miyerkules, didinggin ng House committee on labor and employment ang mga panukala na nagsusulong ng legislated wage wage, at isa na rito ang P150 across-the-board wage adjustment na ipinanunukala ni Trade Union Congress of the Philippines partylist Rep. Raymond Democrito Mendoza.