APRUBADO na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB)-Region 6 ang dagdag sahod na P32 hanggang P40 sa mga minimum wage earners sa Western Visayas.
Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) inalabas ang Wage Order No. RBVI-28 nookg Okt. 22.
Dahil dito, tataas mula P485 hanggang P513 ang minimum wage sa mga workers sa non-agriculture sector habang P480 naman sa agriculture sector.
Aprubado rin ang P1,000 monthly increase ng sweldo ng mga kasambahay. Magiging P6,000 na ito mula sa kasalukuyang P5,000.
Epektibo ang dagdag umento sa Nob. 17.
Inaasahan na 193,032 minimum wage earners ang makikinabang dito. Aabot naman sa 160,795 kasambahay ang tatangap ng umento.
Ang Western Visayas ay binubuo ng mga lalawigan ng Aklan, Antique, Capiz, Guimara, Iloilo at Negros Occidental.