P223M jackpot sa Ultra Lotto tinamaan sa Tarlac City

WAGI ng P223 milyong jackpot ang isang bettor mula sa Tarlac matapos nitong tamaan ang anim na winning numbers ng Ultra Lotto 6/58 draw nitong Linggo.

Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na tinamaan ng nag-iisang bettor na tumaya sa Maliwalo, Tarlac City ang winning numbers na 09-11-02-23-26-07.

Tinamaan nito ang kabuuang jackpot na P223,728,165.20 na maari niyang kolektahin sa loob ng isang taon sa PCSO main office sa Mandaluyong City. Kailangan nitong magharap ng dalawang identification cards at ang winning ticket.

May 20 percent tax ang panalong P10,000 pataas.

Binobola ang Ultra Lotto 6/58 tuwing Martes, Biyernes at Linggo.