PUMASA agad sa committee level ang isinusulong na P200 legislated na na across-the-board wage increase ngayong Huwebes.
Inaprubahan ng House committee on labor and employment ang substitute bills na House Bills No. 514, 7568 at 7871 na P200 dagdag sahod para sa mga manggagawa sa pribadong sektor.
Kamakailan lang siniguro ni Speaker Martin Romualdez na mamadaliin ng Kamara ang pagtalakay sa panukala at nang maipasa ito.
Ang pagtiyak ay ginawa ni Romualdez matapos makipagpulong sa mga labor leaders na silang nagsusulong ng dagdag na sahod sa kanilang hanay.
Samantala, ikinatuwa ni TUCP Party-list Rep. Democrito Raymond Mendoza ang pagpasa sa komite ng panukala.
Isang historic moment anya ang pagpasa sa committee level, kasabay ang pagsasabi na ito ang ung legislated wage hike na pumasa sa nakalipas na tatlong dekada.
Pinasalamatan din nito si Romualdez sa pagsusulong sa nasabing panukala.
“We are very happy with Speaker Romualdez’s commitment to ensuring the measure’s approval,” anya.