P20 minimum na dagdag singil sa Meralco nakaamba ngayong Disyembre

MAY dagdag singil na ipatutupad ngayong buwan ang Manila Electric Company (Meralco).

Ayon sa abiso ng Meralco, magtataas ng P0.1048 per kilowatt-hour (kWh) ngayon buwan.

Ibig sabihin aakyat sa P11.9617 per kWh ang singil ngayong Disyembre, mas mataas sa P11.8569 per kWh na singil noong Nobyembre.

Asahan na ang dagdag P20 na singil sa kuryente sa mga ordinaryong tahanan na kumukonsumo ng 200 kWh kada buwan.

Paliwanag ni Meralco vice president Joe Zaldarriaga na ang dagdag singil ay bunsod ng pagtaas ng generation charge.