P1M nakasilid sa maruming medyas isinoli ng airport cleaner

DINALA ng airport cleaner na si Rosalinda Cellero sa lost-and-found center ng NAIA Terminal 3 ang pares ng maruruming medyas na may laman na dollar bills na aabot sa P1 milyon.

Naglilinis ng sahig si Celero nang maispatan ang mga medyas. Nang suriin, nagulat siya nang makita sa loob ng mga ito ang dolyares.

Hindi naman nagdalawang-isip si Celero at agad itong isinurender.

Sinusuri na ng Manila International Airport Authority ang mga CCTV footage upang matukoy ang may-ari ng mga medyas.