ISINULONG ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang P150-across-the-board na umento sa sahod para sa pribadong sektor.
Sinabi ni Zubiri na sa kabila ng patuloy na pagtaas ng implasyon, isang beses lamang maaaring magpatupad ng umento sa sahod ang wage board.
“Given the urgency of the situation, a legislated wage increase is called for to ease the effect of wage erosion brought about by inflation,” sabi ni Zubiri.
Nauna nang inihain sa Kamara ang panukalang 750 arawang umento sa sahod.