NAKUMPISKAng pulisya ang P13.3 bilyon halaga ng shabu sa bayan ng Alitagtag sa Batangas nitong Lunes.
Ayon kay Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. ito na ang pinakamalaking drug bust na naganap sa history ng bansa.
Nakumpiska ng pulisya sa pangunguna ni Capt. Luis de Luna ang malaking haul ng droga sa checkpoint sa barangay Pinagkurusan Lunes ng hapon. Ang shipment ng shabu ay patungo sana sa Paranaque City.
Ayon kay Batangas Governor Hermilando Mandanas, kikilanin ng pamahalaang panlalawigan ang si de Luna sa isang seremonya dahil sa nangyaring operasyon.
On the spot din na binigyang promosyon ni Abalos ang pulis.
Bukod sa plake, bibigyan din anya ng financial reward ng Batangas si de Luna, ayon pa kay Mandanas.
Sakay ng isang Foton passenger van (CBM 5060) ang droga nang masakot ng pulisya. Naaresto ang driver ng van na nakilalang si Alajon Michael Zarate, 47, ng Quezon City.