P10B shabu nasabat sa Zambales

NASABAT ng mga otoridad ang may P10 bilyon halaga ng hinihinalang shabu sa dagat ng Zambales Biyernes ng umaga.

Ayon sa pahayag ng Philippine Navy, umabot sa 1.5 tonelada ang nakumpiskang shabu.

Sinabi ni Navy spokesperson Capt. John Percie Alcos, ililipat ang mga nasakoteng shabu sa Naval Operating Base sa Subic para sa documentation.

Ang pagkumpiska sa droga ay dulot ng joing operation ng Northern Luzon Naval Command at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

“This is one of the largest illegal drug apprehensions in the history of the Philippine Navy in support of the national government’s campaign against prohibited substances,” ayon kay Alcos.

Isinagawa ang operation matapos ang ilang insidente ng pagkarekober ng droga sa katubigan ng lalawigan kamakailan.

Nauna nang naiulat na may 60 mangingisda sa Ilocos Region at Central Luzon ang nag-turn over ng droga na nakuha sa dagat na nagkakahalaga ng P8.8 bilyon.