TAGA-Metro Manila ang bagong milyonaryo na naka-jackpot ng mahigit sa P100 milyon sa bola ng Lotto 6/42 Martes ng gabi.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Miyerkules, nasungkit ang winning combination na 19-02-21-13-16-22, na ang ticket ay nabili sa Lucky Circle Corp. sa loob ng SM North Edsa sa Quezon City.
May isang taon ang lone winner na kunin ang kanyang premyo na may kabuuang P100,890,109.20 sa PCSO main office saMandaluyong City.
Kailangan lang magdala ng dalawang valid ID ang winner kasama ang kanyang winning ticket.
Sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law, ang mga premyo na mataas sa P10,000 ay kailangang buwisan ng 20 percent.
Binobola ang 6/42 tuwing Martes, Huwebes at Sabado.