PANIBAGONG dagok na naman ang haharapin ng mga consumer ngayon na muling tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Sa loob ng dalawang buwan, mahigit sa P7 kada litro na ang itinaas ng gasolina at iba pang produktong petrolyo sa loob.
Ngayong araw, magtaas ng P1.50 kada litro sa presyo ng diesel habang P1.80 kada litro naman sa presyo ng gasolina. Magtataas naman ng P1.30 kada litro sa presyo ng kerosene.
Tinatayanag nasa P8.65 na ang itinaas ng presyo ng diesel kada litro sa nakalipas na walong linggo habang P7.20 naman sa gasoline.
Nasa pagitan ng P42.50 hanggang P54.17 na ang presyo kada litro ng diesel sa Metro Manila habang nasa pagitan ng P49.50 hanggang P70.44 naman ang unleaded gasoline.